Wednesday, September 29, 2010

Tulagalag: Ang Smiley

Ang Smiley

Nabasa ko kung saan na:
“A smile is a curved line
that sets things straight.”

Dalawang tuldok na nagsisilbing mata,
at isang kurbadang nakaguhit, bilang labi,
sa loob ng dilaw na bilog

ang tinubuan ng katawang-lupa
at 3D na mukhang
may apat na matang bulag

at isang bungangang nag-islogan:
“Kung walang kurap, walang mahirap,
Pagbabago, for Ma and Pa, Now na,

Tama na’ng Mendiola Massacre intriga,
Let’s forget Hacienda Luisita,
Basta, I’ll do something ‘bout Gloria.”

Ngiti nang ngiti sa Kapamilyang umawit:
“P-N-O-Y means smile!” kahit na
napagkamalang siraulo ang kandidato nilang

nanalo. Naging bituin sa takilya:
ultimo pagkain ng hotdog ng may hotdog
ay itinuring na pangunahing balita.

Nasa sariling wika ang unang SONA
ng napakamakabayang Smiley,
na minalaki ng Kapamilyang umawit,

at ng iba pang nananalig sa liwanag
ng dilaw na haring palaging nakangiti
sa gitna ng anumang pagsubok,

o itinuturing niyang pagsubok bagamat
malinaw namang kapalpakan sa pamumuno.
Ngisi, kung hindi hilik, ang naging tugon niya

sa nagpoprotestang mga estudyanteng hindi makapag-aral,
sa nakikibakang mga magsasakang walang lupang mabungkal,
sa mga manggagawang pinapaslang ng neoliberal

na mga polisiyang pinatutupad niya, nang may ngiti.
Ganito niya rin itinuring ang karumaldumal na
hostage crisis sa Quirino Grandstand,

kaya’t nagngalit ang mga instik
sa mga migranteng nasa kanilang poder
dahil walang disenteng trabaho sa bayan

Ni Smiley na nanawagang: “Huwag nang magsisihan,
Mga kapwa Pilipino. At pakinggan natin ang isa’t isa
nang malutas natin ang ating mga problema.”

Pero si Smiley itong hindi nakikinig.
Bakit? Ganito. Pansining mabuti: Walang tainga
ang mga smiley. Wala sila kundi

dalawang tuldok lang na nagsisilbing mata,
at isang kurbadang nakaguhit, bilang labi,
sa loob ng dilaw na bilog.

Narinig ko sa isang banda:
“If ignorance is bliss,
then knock the smile off my face.”





Monday, June 14, 2010

“The Ramones Vs. The Police*”


andito ang installation art.
andito ang imbitasyon sa factsheet43 exhibit sa june 24.
andito sa post na ito ang teksto.
----------------------------------------------------------

The Ramones Vs. The Police*”


One Two
Four Three!

Mainam na alam nyo ang gusto,
Pero hindi ko maibibigay
Walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano.


Sanlaksang paratang, umaandar sa utak ko,
Sangkatutak na paratang, nakakasira ng ulo.
Sanlaksang paratang, umaandar sa utak ko,
Sangkatutak na paratang, nakakasira ng ulo.

Tiyak akong NPA ka,
Huwag nang tangkaing ipagkaila.
Pag di ka umamin,
Itutulak ka namin sa bangin.

Mainam na alam nyo ang gusto,
Pero hindi ko maibibigay
Walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano.


Puminsala, Magsiyasat
Hanggang dumanak ang ugat
At putukan ng iyong dugo
ang kamao naming lahat.

Sanlaksang paratang, umaandar sa utak ko,
Sangkatutak na paratang, nakakasira ng ulo.
Sanlaksang paratang, umaandar sa utak ko,
Sangkatutak na paratang, nakakasira ng ulo.

Healthworkers nga kami,
may stethoscope, walang baril.
Bat pag 'mali' ang sagot, may dagdag nang bugbog ang tanong?
Walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano.


Sanlaksang paratang, umaandar sa utak ko,
Sangkatutak na paratang, nakakasira ng ulo.
Sanlaksang paratang, umaandar sa utak ko,
Sangkatutak na paratang, nakakasira ng ulo.

Sanlaksang paratang, umaandar sa utak ko,
Sangkatutak na paratang, nakakasira ng ulo.
Sanlaksang paratang, umaandar sa utak ko,
Sangkatutak na paratang, nakakasira ng ulo.

Mainam na alam nyo ang gusto,
Pero hindi ko maibibigay
Walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano.


Tiyak akong NPA ka,
Huwag nang tangkaing ipagkaila.
Pag di ka umamin,
Itutulak ka namin sa bangin.

Puminsala, Magsiyasat
Hanggang dumanak ang ugat
At putukan ng iyong dugo
ang kamao naming lahat.

Hindi kami NPA,
wala ring kilalang Mario Conde.
Bat pag 'mali' ang sagot,
may dagdag nang bugbog ang tanong?
Walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano.


Sanlaksang paratang, umaandar sa utak ko,
Sangkatutak na paratang, nakakasira ng ulo.
Sanlaksang paratang, umaandar sa utak ko,
Sangkatutak na paratang, nakakasira ng ulo.

Walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano.
Walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano,
walang aamining maski ano.


--------------------------------

*(Isang Pagsasalin / Adaptasyon ng “I Can’t Give You Anything” ng The Ramones at “Too Much Information” ng The Police, Alay kay Ramon dela Cruz ng Morong 43. Nasa installation art ito ng mga cassette tape, tulad ng C Program na nasa installation art ng mga diskette.)